Garantiya sa Pinakamagandang Presyo

Nais namin na bayaran mo ang pinakamababang presyo na maaari para sa iyong hotel. Kung makahanap ka ng kuwarto sa hotel na may mas mababang presyo online pagkatapos mong magpa-book sa site na nakalista sa Hoteloogle.com, isasauli namin sa iyo ang halaga ng diperensya, sa kundisyon na ang mas mababang presyo na ito ay available sa website:

- Maliban doon sa mga website na magagamit para sa booking sa Hoteloogle.com, at
- Maliban sa opisyal na site ng hotel, na magagamit mula sa pahina ng hotel sa Hoteloogle.com, sa pamamagitan ng “opisyal na site” na link.

Kailangan mong makipag-ugnayan sa amin sa loob ng 24 oras upang gawin ang iyong booking na maging karapat-dapat para sa Garantiya sa Pinakamagandang Presyo.

Ginagamit ang mga sumusunod na kondisyon:

1- Ang mas mababang presyo ay available rin sa website na hindi kasali sa Hoteloogle.com sa proseso ng pagkukumpara.

2- Kailangan mong ipa-book ang iyong kuwarto sa pinakamagandang presyo ng booking provider dahil sa paggamit ng Hoteloogle.com.

3- Dahil madalas na nagbabago ang mga presyo ng hotel, kailangan mong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email sa rateguarantee@datahc.com sa loob ng 24 oras nang mai-book ang iyong kuwarto sa hotel mula sa pinakamababang presyo ng booking provider gamit ang Hoteloogle.com. Dapat kasama sa iyong email ang mga sumusunod na impormasyon; ang iyong pangalan, numero ng reservation, kopya ng kompirmasyon sa e-mail/voucher at ang website kung saan available ang mas mababang presyo.

4- Ang garantiya ay hindi magagamit sa mga booking sa mismong araw.

5- Ang garantiya ay naaangkop lamang para sa mas mababang presyo na available para sa online na booking. Ang mas mababang online na presyo ay dapat ma-book kapag napatotohanan namin ang iyong pahayag, sa loob nang 24 oras.

6- Ang mas mababang presyo ay dapat natagpuan online para sa katumbas na kuwarto sa parehong hotel tulad ng na-book gamit ang pinakamagandang presyo ng booking provider gamit ang Hoteloogle.com sa parehong mga petsa ng check-in at check-out na may katulad na mga kondisyon sa booking.

7- Ang mas mababang presyo ay dapat nasa parehong currency.

8- Ang Hoteloogle.com ay magre-refund lamang ng diperensya sa pagitan ng presyo na natagpuan sa pinakamababang presyo ng booking provider na kasali sa Hoteloogle.com at sa mas mababang presyo kung ang iyong reservation gamit ang Hoteloogle.com na kasaling provider ay kumpleto at hindi nakansela at hindi sumasailalim sa hindi pagsipot.

9- Ang "Garantiya sa Pinamakamagandang Presyo" ay hindi ginagamit sa mga kuwarto ng hotel na nabili o bilang kombinasyon sa mga presyo para sa miyembro, madalas na pamamalagi, mga loyalty point o iba pang uri ng programa na may "reward" o mga espesyal na promosyon ng hotel kung saan isinagawa ang booking. Ang available na mga mababang presyo ay sa mga malalabong na site kung saan ang eksaktong hotel ay hindi kilala hangga't matapos ang booking ay hindi rin kasama sa garantiya.

10- Kapag ang iyong pag-aangkin ay matagumpay, ang "Pagsasauli sa Pagkakaiba ng Presyo" ay ibibigay sa loob ng 30 araw makalipas ang petsa ng check-out ng iyong reservation sa pinakamagandang presyo na inilista ng booking provider sa Hoteloogle.com.

11- Ang pagbabayad ay maaaring isagawa sa mga PayPal account.